Sunday, May 17, 2009
Parang Kailan Lang
link to the pics... part1
link to the pics... part2 view the pics with slideshow
Parang kailan lang
Ang Palomares ay kay hirap akyatin
Dahil sa inyo
Napunta ako sa tuktok ng Mt Diablo
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lamang isang awitin
Parang kailan lang
Halos ako ay mag cramps sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking binti at hita'y nagkalaman
Kayat itong awiting aking inaawit
Nais ko'y kayo ang handogan
Tatanda at lilipas rin ako
Nguni't mayrong awitin
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama
Parang kailan lang
Ang San Ramon at Livermore
Ay sarap padyakan
Dahil sa inyo,
Napatag ang Palomares
At Calaveras
Dahil dito'y ibig ko kayong
Ituring na matalik kong kaibigan
Tatanda at lilipas rin ako
Nguni't mayrong awitin
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama
* wishing you both a good and healthy life in your new location and
may GOD BLESS you and your families.
-jack
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Malungkot na masaya ang pagpaalam ng mga kaibigan nating sina JohnV at JohnM. Tama ka, Jack, "parang kailan lang". Hindi rin ako makapaniwala na tatlong taon na ang nakaraan noong una kong makilala sina JohnV at JohnM sa parking ng Ranch 99. Wala ako masabi kundi pagpupuri at karangalan sa kanilang pagkakaibigan. JohnV, JohnM, hihintayin namin ang pagsulat niyo sa blog. Salamat ng marami sa inyong pagiging kasakay, kaibigan at kapatid! Patnubayan sana kayo at inyong mga pamilya ng Diyos, JohnV, JohnM !!
maraming salamat din MannyD,at sa lahat ng siclista na walang pagsawa pagsasama sa magandang grupo.pagpalain tayo ng Diyos....
Jack,magandang Handog iyong kanta da best iyon at iyong bagong mong lyrics...
Post a Comment