Sunday, December 23, 2007

FROM MY FAMILY TO YOURS

Kararating lang namin dito sa Pilipinas at napansin ko na nagsimula nang malagas ang mga dahon ng mga mangga at santol sa pagitan ng Pampanga at Olongapo. Ang kabundukan naman ay patuloy na kinukumutan ng kumakapal na snow kaya ang mga tao sa lansangan ay ganap ng nakakulob sa makakapal na kasuotan dahil sa lamig na hatid ng winter time. Sa dakong North Expressway naman ay kapasin-pansin ang mga Sarao drivers at mga konduktor ng mga Pantranco na abala na sa pagkakabit ng mga tire chains habang maingat na namamaybay ang mga karitela at tricycle sa dakong liwasan. Ang mga espresso stand sa paligid ay animo'y loterya dahil sa sobrang kapal ng nag-da -drive through, gayon din ang mga cafe "latte" na bukas na kahit "early" pa...ang kani-kanilang mga reserbang thermos ay walang tigil sa pag-igib ng kape na wari mo eh poso ng tubig upang ang sambayanan naman ay makamit ang konting init na minimithi........brrrrrrrrrrrrr...ang lamig …..MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON sa inyong lahat!!!!!!

2 comments:

johnV said...

Jack,same to you and maligayang pasko at manigong bagong taon

winston said...

Merry Xmas din and to all Siclistas